Mister todas sa ambush
SHOOTING STRAIGHT - Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2017 - 12:00am

KIDAPAWAN CITY, Philippines - Bumulagta ang 33-anyos na mister na nagmomotorsiklo kasama ang kanyang anak makaraang ratratin ng riding-in-tandem assassins sa bisinidad ng Pascual Subdivision sa Barangay Rosary Heights, Cotabato City, Maguindanao kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Montaser Esmael, 33, may asawa at nakatira sa nasabing lugar. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pasado alas-7 ng umaga kahapon habang pauwi si Esmael na nagmomotorsiklo kaangkas pa ang kanyang 3-anyos na anak nang maganap ang pamamaril. Hindi naman idinamay ang anak ng biktima dahil naalalayan niya ito bago bumagsak sa kalsada. Sinubukang isugod sa pagamutan ang biktima pero hindi na ito umabot ng buhay.

RIDING-IN-TANDEM ASSASSINS
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with