Pekeng pulis dakma sa buy-bust
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2017 - 12:04am

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga, Philippines – Kulungan ng binagsakan ng 40-anyos nna pekeng pulis na sinasabing notoryus na drug courier makaraang arestuhin sa inilatag na buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Dau sa Mabalacat City, Pampanga kamakalawa ng umaga. Sa police report na nakarating kay P/Chief Supt. Aaron Aquino police regional director, kinasuhan ang suspek na si Frederic Bacani ng Barangay Sta. Teresita sa Angeles City, Pampanga. Bandang alas-8 ng umaga nang salakayin ng mga awtoridad ang isang hotel na tinuluyan ng suspek. Nakasuot pa ng uniporme ng pulis ang suspek kung saan hindi na ito pumalag nang posasan ng mga pulis. Nasamsam sa suspek ang 14 plastic sachet ng shabu, assorted drug pharapernalia, cal.45 pistol may dalawang magazine at dalawang P500 cash na ginamit buy-bust.

 

PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with