2 Tsino inakyat-bahay
Jonie Capalaran (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2017 - 12:00am

BATAAN, Philippines – Umabot sa P77 libong halaga ng ari-arian ang natangay makaraang looban ng Akyat-bahay Gang ang dalawang Tsino sa RM Square Transient House sa MAAP Road Barangay Alas-Asin sa bayan ng Mariveles kamaka­lawa ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Yang Zhong Xiu, 27, may-asawa; at Xiao Huaji, 27, kapwa nagtatrabaho sa Shanghai Electrical Power Construction Co. Philippine Corp. na nasa sa loob ng GN Power Plant at nakatira sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO3 Loyd Opena, bandang alas-9 ng umaga nang madiskubre ang pagnanakaw matapos magi­sing ang dalawa sa kanilang inuupahang bahay kung saan nalimas ang  isang laptop na kulay itim at mobile phone na nasa ibabaw ng lamesa sa sala.

Nadiskubre rin na winasak ang bintana sa sala na sinasabing pinasukan ng mga magnanakaw kung saan umaabot sa P77,000 ari-arian ang naglaho habang patuloy pa rin ang imbestigasyon.

AKYAT-BAHAY GANG
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with