8 durugista tiklo sa pot session
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2017 - 12:00am

LUCENA CITY, Quezon, Philippines – Walong durugista na naaktuhan sa pot session may ulang oras bago sumapit ang Bagong Taon ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Purok Damayan 2, Barangay Ibabang Iyam sa Lucena City, Quezon. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina John Derrick Repecio, 19; Fernando Tatlonghari, 52; Edgardo Villoria Jr., 40; Jayare Abellanosa, 33; Michael Zuniga, 35; Rommel Neria, 22; Loriebel Lorenzo, 18; at ang 17-anyos na babaeng itinago sa pangalang Claire.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Rodolfo Borromeo, hepe ng Lucena PNP Intel/DEU, dakong alas-8:45 ng gabi nang isagawa operasyon laban kay Repecio kung saan ay nakumpiskahan ito ng 6-plastic sachet ng shabu.

Nang pasukin ng mga awtoridad ang bahay nito ay naabutan pa ang pitong iba pa sa pot session at nasamsam ang 3 plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

BAGONG TAON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with