^

Probinsiya

Lalaki tiklo sa 2 baril

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon, Philippines – Kulungan ang binagsakan ng 31-anyos na lalaki matapos itong makumpiskahan ng dalawang mataas na kalibre ng baril na balak paputukin sa pagsalubong  sa Bagong Taon sa Barangay Ibabang Iyam sa Lucena City, Quezon. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 ang suspek na si Richmond de Guzman ng Purok Maulawin, PCA Compound sa Barangay Isabang. Ayon kay QPPO Acting provincial director P/Senior Supt. Roderick Armamento, dakong ala-1:30 ng hapon kamakalawa ay namataan ng ilang residente na nakaupo sa nakahimpil na motorsiklo ang suspek na may nakabukol sa beywang. Nang rumesponde ang Lucena PNP SWAT ay nasamsam sa suspek ang isang magnum 357mm revolver na may anim na bala, isang sling bag na may lamang automatic caliber 22mm revolver na may magazine at 24 na bala. Ayon sa suspek, inihabilin lamang sa kanya ang mga baril na umano’y papaputukin sa New Years eve.

QUEZON.

LUCENA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with