Nakaupo sa loob ng kotse ang duguang katawan ni Ramos matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Brgy. Sto. Cristo, bayan ng Pulilan, Bulacan kahapon ng madaling araw.
Boy Cruz
Utol ng ex-mayor, 1 pa utas sa buy-bust
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2016 - 12:00am

BULACAN, Philippines – Napaslang ang mag-lover na sinasabing pinakamakaling supplier ng shabu makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Sto. Cristo, bayan ng Pulilan, Bulacan kahapon ng mada­ling araw.

Ilang tama ng bala ang tumapos sa buhay ng mag-lo­ver na sina Roy “Taroy/Tarugo” Ramos, 37, ng Brgy. Bañga 2nd; at Rica Rose Estrada, 26, ng Barangay Lumang Bayan sa bayan ng Plaridel.

Ayon kay P/Supt. Quilates, si Ramos ay kapatid ng dating alkalde sa bayan ng Plaridel na si Anastacia “Tessie” Vistan at tiyuhin ni Plaridel Mayor Jocell Aimee Vistan Casaje.

Base sa police report na isinumite ni P/Supt. Edwin Quilates sa Camp Alejo Santos, inilatag ang operasyon laban sa dalawa sa madilim na bahagi ng Old Cagayan Valley Road bandang alas-4:20 ng madaling araw.

Ilang minuto ang nakalipas habang nag-uusap ang poseur-buyer na pulis ay nakahalata ang dalawa na mga operatiba ang nasa paligid nila.

Dito na nagsimulang pu­tukan ng dalawa ang sasak­yang van ng mga pulis kung saan nauwi sa bakbakan hanggang sa mapatay ang mag-lover na lulan naman ng Mitsubishi Lancer na walang plaka.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang isang cal .40 pistol, mga bala, apat na pakete ng shabu, P10,000 drug money, iba’t ibang ATM, 14 susi ng sasakyan na sinasabing collateral ng mga drug pushers at mga personal na gamit ng dalawa.

Base sa tala ng pulis­ya, si Ramos ay una ng naaresto noong 2013 dahil sa kasong kriminal.

BULACAN ROY RAMOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with