2 dedo, 3 kritikal sa road mishap
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2016 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawang katao ang sumalubong kay kamatayan habang tatlo ang kritikal matapos magsalpukan ang isang Toyota Hi Ace van at delivery truck ng softdrinks sa highway ng Barangay Sta. Cruz Norte, Badoc, Ilocos Norte kamakalawa ng madaling araw. ?Kinilala ni PO2 Marco Abella ang mga nasawi na sina Fernando Pambid Jr. na drayber ng van at pasaherong si Mark Darwin Salvador. Isa pang pasahero ng van na si Roger Mamuad ang isinugod sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City kasama ang drayber ng truck na si Jefferson Lacro at helper na si Warlito Viloria 20. Nang-agaw umano ng linya ang drayber ng van matapos mag-overtake sa isa pang sasakyan nang makasalpukan nito ang kasalubong na truck sa kabilang linya. Kapwa naipit sa kanilang kinalalagyan ang dalawang nasawi sanhi ng malakas na impact.

KRITIKAL SA ROAD MISHAP
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with