^

Cafgu tinodas sa palengke

Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2016 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines – Napaslang ang isang mi­yembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) makaraang pagbabarilin ng di-pa kilalang gunman sa panibagong karahasang naganap sa public market ng Barangay Poblacion sa bayan ng Parang, Maguindanao kahapon ng umaga. Sa ulat ni P/Senior Inspector Erwin Tabora, hepe ng Parang PNP, kinilala ang napatay na si Arturo Pagalin Laureano, 61, ng Brgy. Nituan sa nasabing bayan at nakabase sa Barangay Pinantao. Ayon kay Tabora, dalawang tama ng bala ng cal. 45 pistol sa ulo ang tumapos sa  buhay ng biktima. Patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa krimen dahil walang lumutang na testigo.

CIVILIAN ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with