4 babae tiklo sa buy-bust
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 2, 2016 - 12:00am

BULACAN, Philippines – Kulungan ang binagsakan ng apat na babaeng notoryus na tulak-droga makaraang masakote sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Barangay Bancal, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng madaling araw. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Apple Ignacio, 26; Rosanna Serrano, 45; Criselda “Ising” De Vega, at si Mayleen “Hapon” Tolentino, 32, mga residente ng Bancal Extension sa nasabing barangay. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Lailene Amparo, sina Ignacio at Serrano ay naaresto sa kanilang bahay sa inilatag na buy-bust operation. Kasunod nito ay nasakote naman sina de Vega at Tolentino sa kanilang bahay matapos na inguso sila ng dalawang naunang naarestong suspek. Nabatid na sina Tolentino at De Vega ay may nakabimbing kasong droga sa Malolos City Regional Trial Court noong Mayo 2016. Nasamsam sa mga suspek ang 13 plastic sachets ng shabu at P1000 marked money.

BUY-BUST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with