Erap binisita ang puntod ni FPJ
CALVENTO FILES SA PM - Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - November 1, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nag-alay ng panalangin, bulaklak at nagtirik ng kandila si Manila Mayor Joseph Estrada sa puntod ng kanyang matalik na kaibigan na si Fernando Poe Jr. sa Manila North Cemetery, kahapon ng umaga.

Kasabay ni Estrada sa pagbisita sa puntod, dakong alas 10:45 ng umaga  si Manila Police District (MPD) director, P/Chief Supt. Joel Napoleon Coronel at iba pang opisyal ng lungsod.

Namataan din na nag-iikot sa Manila North Cemetery si National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director General Oscar Albayalde, bilang bahagi ng pag-monitor niya sa sitwasyon sa lahat ng malalaking libingan sa Metro Manila.

Tinatayang  mahigit 200-libo na ang mga nagtungo sa nasabing sementeryo kahit bisperas pa lamang ay inaasahang aabot naman sa 2 milyon ngayong araw  (Nobyembre 1)

Samantala, sa Manila South Cemetery (MSC)ay umaabot na sa mahigit 10-libo katao ang dumalaw sa kanilang mga mahal sa buhay .

Ipinagmalaki naman ni MSC Deputy Director Engineer Maribel Bueza, na bukod sa mga pulis at military ay high-tech na rin ang pagbabantay nila sa sementeryo dahil gumagana ang lahat ng 16 na closed circuit television at website na may live screening upang makita ang sitwasyon sa sementeryo.

Ang naturang website ay makatutulong din aniya sa publiko upang mabilis na matukoy at matunton ang lokasyon ng mga nawawalang puntod ng mga yumaong kaanak nila.

Samantala, sa Manila North Cemetery pa rin, limang katao ang dinampot nang maaktuhan sa isang pot session nang magsagawa ng anti-criminality campaign kamakalawa ng gabi ang MPD-Station 3.

Nakapiit na ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na kinilalang sina Mark Kenneth Reyes, 23, tricycle driver; Lazaro Francisco, 45; Paulino dela Vega, 32; Marlon Lange, 21, at Wilfredo Chavez, 50, na pawang sa sementeryo naninirahan.

Narekober naman ng mga pulis mula sa mga suspek ang tatlong plastic sachet ng shabu, dalawang aluminum toother, isang glass toother na may residue pa ng shabu, at mga drug paraphernalia.

ERAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with