Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Kier Jarvin San Miguel, 21; at Charlon Ronda, 18, kapwa nakatira sa Pinagkaisa Village sa nasabing barangay.
File photo
2 akyat-bahay, arestado
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2016 - 12:00am

CAVITE, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang kasapi ng Akyat-Bahay Gang na nanloob sa bahay ng trader  makaraang masakote ng arresting team ng pulisya sa inilatag na operasyon sa Barangay Toclong sa bayan ng Kawit, Cavite kamakalawa. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Kier Jarvin San Miguel, 21; at Charlon Ronda, 18, kapwa nakatira sa Pinagkaisa  Village sa nasabing barangay. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, ang dalawa ay inireklamo ng biktimang si Ritchell Cantiga ng Estrella Homes Subd. na nanloob at tumangay ng malaking halaga ng ari-arian. Nabatid na dumaan sa kisame ng bahay ng biktima ang mga suspek hanggang sa maisagawa ang pagnanakaw. Nakilala naman ng biktima ang mga suspek kaya naipaabot sa himpilan ng pulisya ang reklamo.

ARESTADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with