Kinilala ang mga biktimang sina PO1 Prince Jihord Pinto, nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Bustos; at Prince Joseph Centeno, 29, mga nakatira sa Barangay San Juan. Pinaghahanap naman ang gunman na sinasabing nasugatan matapos putukan ni PO1 Pinto bago napatay.
Philstar.com/File Photo
Pulis, 1 pa itinumba sa tindahan
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2016 - 12:00am

BULACAN, Philippines - Kamatayan ang sinapit ng 30-anyos na pulis  at pinsan nitong lalaki matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa harapan ng tindahan sa Barangay San Juan, bayan ng San Miguel, Bulacan noong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktimang sina PO1 Prince Jihord Pinto, nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Bustos; at Prince Joseph Centeno, 29, mga nakatira sa Barangay San Juan. Pinaghahanap naman ang gunman na sinasabing nasugatan matapos putukan ni PO1 Pinto bago napatay.

Sa imbestigasyon ni PO1 David Romano Reyes, bumibili ng sigarilyo ang magpinsan nang lapitan at ratratin ng gunman dakong alas-12:45 ng madaling araw.

Kaagad na tumakas ang gunman sakay ng itim na SUV na sinasabing may ka­sabwat na ilang kalalakihan.

Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng cal. 40mm pistol, limang basyo ng bala ng cal. 9mm pistol, cal. 9mm pistol ni PO1 Pinto, at isang magazine ng bala.

BULACAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with