ABC prexy sa Cagayan niratrat
Raymund Catindig, Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2016 - 12:00am

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek ang presidente ng Liga ng mga Barangay sa bayan ng Iguig, Cagayan kahapon ng tanghali. Kinilala ni P/Sr.Insp. Avelino Canceran Jr., hepe ng Iguig Police ang biktima na si Barangay Chairman Mario Tangaro, ABC president at residente ng Brgy. San Isidro, nabanggit na bayan. Sa ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali kahapon habang papauwi si Tangaro mula sa dinaluhan na regular session ng Sanguniang Bayan nang pagbabarilin ang biktima pagsapit sa national highway sa nasasakupan ng Barangay Minanga sa nabanggit na bayan. Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, pinara umano ng suspek si Tangaro sakay sa kanyang motorsiklo kung kaya siya huminto. Dito na umano agad siyang pinagbabaril ng suspek bago tuluyang tumakas.  

CAGAYAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with