^

80-anyos lolo, kelot lunod

Raymund Cantindig (Pilipino Star Ngayon) - September 24, 2016 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Natapos din ang ilang araw na paghahanap ng mga kaanak ng isang 80-anyos na lolong nawawala noong nakaraang linggo nang kusang lumutang at napadpad ang naaagnas niyang bangkay sa pampang ng ilog sa Brgy. Bayo, Iguig, Cagayan kamaka­lawa. ?Ayon kay Sr. Insp. Avelino Canceran, hepe ng PNP Iguig, kinilala ang bangkay ni Paulino Cabrera, ng anak na si Cesar Cabrera sa morge ng Funeraria Ortiz sa lungsod na ito. Nabatid na nagpapaligo ng alagang kalabaw ang lolo nang siya’y tangayin ng malakas na alon dulot ng masamang panahon na iniwan ng bagyong Gener. Samantala sa Bolinao, Pangasinan, nalunod ang 18-anyos na si Carl Robin Mejia nang lumusong sa malalim na bahagi ng tubig sa Tara falls sa Brgy. Liwa-Liwa.Ayon kay Chief Insp. Joseph Mark Sibayan, hepe ng Bolinao Police, nagawa pang sagipin ng mga sumaklolo ang biktima subalit idineklarang patay sa Sampaloc Bolinao Community Hospital.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with