^

Bulacan shootout: 4 tulak tumba

Boy Cruz at Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2016 - 12:00am

BULACAN, Philippines - Apat na kalalakihan na sinasabing notor­yus na drug pushers ang napatay  habang dalawa pa ang naaresto matapos na mauwi sa shootout  ang inilatag na buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Minuyan Pro­per, San Jose del Monte City, Bulacan noong Miyerkules ng gabi.

Sinabi ni P/Senior Supt. Romeo Caramat Jr., ac­ting provincial director ng Bulacan PNP, bineberipika pa ang pagkakakilanlan ng apat na napatay na pawang miyembro ng Espinosa drug group na pinamumunuan  ni Erick Espinosa na high-value target sa drug list.

Arestado naman ang dalawang drug pusher na sina Mark Anthony Laxa, 22, tubong Quezon City at Rene Lloyd Sacdalan, 26, ng Towerville Subd. sa nasabing barangay.

Nakatakas naman ang lider ng grupo na si Erick  Espinosa.

Bandang alas-6:30 ng gabi  nang ilatag ang buy-bust operations sa Towerville Subdivision kung saan papasok pa lamang ang mga tauhan ng Intelligence at Anti-Illegal Drugs Special Operative Task Group sa pakikipagkoordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency 3 laban sa nasabing grupo pero agad pinaputukan ang mga operatiba na nauwi sa shootout.

Gayunman, isang na­g ngangalang Michelle Seleic ang tinamaan ng ligaw na bala sa kanang hita sa shootout kung saan isinugod naman sa pagamutan at idineklarang nasa ligtas na kalagayan.

Narekober naman sa encounter site ang tatlong cal. 38 revolver, cal. 45 pistol, improvised handgun, anim na plastic sachet na may shabu at mga drug paraphernalia.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with