^

2 patay, 4 tiklo sa buy-bust

Boy Cruz at Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2016 - 12:00am

BULACAN, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng dalawang drug pusher habang apat naman ang nasakote sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga operatiba ng pulisya sa San Jose del Monte City at bayan ng Hagonoy, Bulacan kamakalawa.

Base sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Romeo Caramat Jr., Bulacan provincial director, kinilala ang mga napatay na sina Orlando Cabrera at Ro­naldo Cruz, 45, mga nakatira sa Brgy. San Juan, bayan ng Hagonoy.

Nakatakda namang kasuhan ang mga suspek na sina Leonardo Francisco, 51; Samuel Mundo, 26; Reo Cruz, 45; at si Rowena Pait, 51.

Si Cabrera ay napatay matapos itong kumasa at makipagbarilan sa mga o­peratiba ng pulisya habang arestado naman si Pait sa San Jose del Monte City.

Samantalang sina Calayag, Mundo at Reo Cruz Esguerra ay nasakote habang sumisinghot ng shabu sa bahay ni Orlando Cabrera.

Narekober ang 13 plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia, mga basyo ng bala ng cal. 9mm pistol at cal. 38 revolver.

Maging si Cruz ay napatay sa inilatag na buy-bust operation sa bayan ng Hagonoy, Bulacan kung saan narekober ang cal. 38 revolver, limang plastic sachet ng shabu at mga basyo ng bala ng cal. 9mm pistol.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with