Mag-ina, nilikida sa bahay
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng mag-ina makaraang ratratin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa  loob ng kanilang bahay sa Barangay San Jose sa bayan ng Rodriguez, Rizal, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktima na sina Mary Grace Blando, 31; at Rodgie Boy, 17. Ayon kay P/Insp. Raquel Escobedo, hepe ng Rodriguez PNP, apat na lalaking maskarado ang pumasok sa bahay saka pinagbabaril ang mag-ina na natutulog. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng baril at pitong plastic sachet ng shabu. Ayon kay Escobedo, hindi naman kasama ang mag-ina sa kanilang drug watchlist habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with