Negosyanteng drug suspek utas sa tandem
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 4, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 58-anyos na  negosyanteng nasa drug watch list matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa Barangay Palaris, San Carlos City, Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Barry Ungcar, tubong Lanao del Sur at naninirahan sa Pagsolingan Subdivision  sa nasabing barangay.

Sa ulat ng Pangasinan PNP na isinumite sa Camp Crame, naganap ang krimen bandang alas-8:05 ng gabi sa bisinidad ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, lulan ng motorsiklo ang biktima  pauwi nang sundan at pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen.

Sa pahayag ng mga testigo, ilang metro na lamang ang layo ng biktima sa kaniyang bahay at pagliko nito sa kanto ay kaagad itong pinagbabaril ng tandem.

Duguang humagis ang biktima mula sa kanyang motorsiklo habang mabilis namang tumakas ang gunmen.

Nagawa pang maisugod sa Virgen Milagrosa Medical Center subalit idineklarang patay ang biktima.

Sinasabing ang biktima ay nasa drug watch list ng pulisya kung saan pinaniniwalaang kasamahan nito sa sindikato ng droga ang nasa likod ng krimen.

BULACAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with