^

Probinsiya

Manganganak na preso, pumuga

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Pinaghahanap na ng pulisya ang kabuwanang buntis na bilango ng Tinangis Penal Farm sa Barangay Tinangis sa bayan ng Pili, Camarines Sur matapos itong tumakas habang naghihintay ng panganganak sa Bicol Medical Center sa Panganiban Drive, Naga City kamakalawa ng madaling araw. Kinilala ang pumugang buntis na si Elma Olaso-Dela Peña, 36, ng Barangay Kamagong sa bayan ng Tinambac, at may kasong estafa. Base sa police report na nakarating sa Camp General Simeon Ola, isinugod sa ospital ang suspek dahil sa kabuwanan na ng kanyang panganganak subalit habang nasa delivery room ay nagawa pa nitong tumakas makaraang malingat ang kanyang custodian na si Liezel B. Villafuerte. Kaagad namang bumuo ng task force ang Naga City PNP para tugisin ang suspek.

TOURISM CONGRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with