Motorbike vs truck: 2 patay Joy Cantos
Scott R. Garceau (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang namatay makaraang suwagin ng dump truck ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng Maramag-Maradugao Road sa Purok 3 D Magsaysay, Barangay Kuya sa bayan ng Maramag, Bukidnon kamakalawa ng hapon. Kinilala ang dalawa na sina Junrey Bregildo, driver ng motorsiklo; at Zaida Mapandi Bregildo. Sa ulat ng Bukidnon PNP na isinumite sa Camp Crame, naitala ang insidente bandang alas-4 ng hapon habang bumabagtas sa nasabing lugar ang mga biktimang lulan ng motorsiklo. Bigla na lamang binangga ng dump truck (ALA 7287) ni Fernando Telic  ang motorsiklo ng dalawa na nasa unahan lamang nito. Kapwa tumilapon sa motorsiklo ang dalawa kung saan nagulungan pa ng dump tuck ng buhangin at graba  ang mga biktima.

CINEMALAYA EIGA SAI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with