_ngayon
^

Probinsiya

2 sarhento ng Army utas sa NPA

Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Bulagta ang dalawang sarhento ng Phil. Army makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army habang naglalakad sa Purok 3, Barangay Cabiguan sa bayan ng Pilar, Sorsogon kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga biktima na si S/Seargent Epifanio Millares, 43, detachment commander ng Mapaso CAA detachment sa bayan ng Irosin, Sorsogon at residente sa Barangay Abucay; at Seargent Zaldy Cristobal, 40, commander naman ng Mandaon Army Detachment sa bayan ng Mandaon, Masbate at nakatira sa Barangay Cabiguan, bayan ng Pilar, Sorsogon. Base sa police report na nakarating kay P/Chief Inspector Salvador Retuerma ng Pilar PNP, inimbitahan ni Sgt.Cristobal ang kapwa opisyal na si Sgt.Millares upang dumalo sa pistahan sa kanilang barangay nang tambangan ng mga rebelde pagsapit sa nasabing lugar.

BLOOD DONATIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with