^

16-anyos tinangkang halayin ng pulis

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 12, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nasa balag ng alanga­ning masibak sa tungkulin at makasuhan ang bagitong pulis matapos itong ireklamo ng 16-anyos na dalagita nang tangkang panghahalay sa dinaluhan nitong birthday party sa Barangay Wawa, bayan ng Nasugbu, Batangas, ayon sa ulat kahapon.

Dumulog sa himpilan ng Nasugbu PNP ang biktimang itinago sa pangalang Elena upang ireklamo ang suspek na si PO1 Lorie Boy Saraza, ng Calatagan PNP.

Sa salaysay ng biktima, naganap ang insidente noong Linggo ng gabi (Mayo 29) kung saan hindi kaagad naipagbigay-alam sa pulis­ya dahil sa matinding takot sa suspek.

Napansin naman ng ina ng dalagita ang pagi­ging tulala nito at kalimitang umiiyak kaya inusisa ito hanggang sa ipagtapat ang naganap na insidente.

Nabatid na dumalo sa birthday party ng kaibi­gang si Elena kung saan sa kasagsagan ng pagdiriwang ay kinausap ng suspek ang biktima na kakausapin sabay hinila sa silid.

Sinabi ng dalagita na itinulak siya sa kama ng suspek na sinabing papatayin kapag pumalag kasabay pinaghihipuan, pinaghahalikan at inuumpisahan ng gahasain nang may kumatok ng malakas sa pintuan.

Dahil sa sunud-sunod na katok ay napilitan ang suspek na tumayo at buksan ang pintuan kung saan dito na nakakita nang pagkakataon ang dalagita para tumakas.

Samantala, nang mabatid ng suspek na nagreklao na sa pulisya ang dalagita ay tumakas ito at hindi matagpuan sa himpilan ng pulisya na kaniyang pinagsisilbihan.

CHINA KOREAN PENINSULA SOUTH KOREA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with