Magsasaka ginilitan sa inuman
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - June 11, 2016 - 12:00am

CAVITE, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 51-anyos na magsasaka matapos itong gilitan ng apat na kainuman ng alak sa Barangay Patutong Malaki North sa Tagaytay City, Cavite kamakalawa ng hapon. Halos humiwalay sa katawan ang ulo ng biktimang si Danilo Regala ng nasabing barangay. Arestado ang dalawa sa apat na suspek na sina Jose “Ogie” Florencio, 41; at Jose Palacio, 30, kapwa may -asawa at nakatira sa nasabing barangay. Tinutugis naman ng pulisya ng dalawa pang suspek na sina Luisito Perena, 45; at isang alyas Benjie Wado. Base sa police report na nakalap sa Camp Pantaleon Garcia, nakipag-inuman ang biktima sa mga suspek matapos itong umigib ng tubig. Gayunman, nang malasing ang biktima ay napagtripang patayin ng mga suspek.

ALBAY PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with