Trak swak sa bangin: 1 dedo, 2 kritikal

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 5, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Isang pahinante ang namatay habang malubha namang nasugatan ang dalawa pa nitong kasamahan matapos na mahulog ang tanker truck sa malalim na bangin sa Barangay Malamba, Davao City, Davao del Sur kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Inspector Milgrace Driz, spokesperson ng Davao City PNP ang biktima na si Alberto Daguplo habang nakikipagbuno naman kay kamatayan ang mga suga­tang biktimang sina Felix Fuentes at Erwin Orquia.

Sa ulat ni Driz na nakarating sa Camp Crame, naganap ang sakuna habang bumabagtas ang Isuzu tanker truck (KVY 178 ) na minamaneho ni Fuentes sa nasabing lugar bandang alas-5 ng umaga.

Nabatid na ang truck na may kargang mga kahon ng muriatic acid ng Vinyl Corporation ay mula sa Iligan City, Lanao del Norte at papasok na sa bukana ng nasabing lungsod nang mahulog ang trak sa bangin.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na nawalan ng preno ang trak kaya nabigo si Fuentes na kontrolin ang manibela hanggang sa mahulog ito sa bangin.

Agad namang rumes­ponde ang Davao City rescue 911 at isinugod sa pagamutan ang mga nasugatang biktima pero nabigong maisalba ang buhay ni Daguplo.

WORKER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with