^

Ginang tumanggi sa sex, dinedo

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2016 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napaslang ang 24-anyos na misis na sinasabing tumangging makipag-sex matapos itong saksakin ng sariling mister sa kanilang bahay sa Barangay Cagumitan, bayan ng Tuao, Cagayan kamakalawa. ?

Kinilala ni P/Chief Insp. Danilo Abalos, hepe ng Tuao PNP ang napatay na si Nerrisa Nicolas habang naaresto naman ang suspek na si Jesus Nicolas, 26, tubong Sto. Niño, Cagayan. ?

Sa imbestigasyon ng pulisya, umuwi ang mag-asawa mula sa kanilang pinapasukang trabaho sa Maynila upang dumalo sa kaarawan ng anak.

Subalit hindi pinasiping ng biktima ang kanyang mister bagkus ay tumabi sa kanilang 4-anyos na anak sa kabilang silid.

Gayunman, winasak ng suspek ang bintana ng silid saka isinagawa ang pana­naksak sa kanyang misis sa harapan ng kanilang anak na natulala sa nasaksihang krimen.

Isinugod ng mga kaanak ang agaw-buhay na misis sa St. Paul Hospital kung saan ito nalagutan ng hini­nga.

AMBUSH CAMARINES NORTE PARACALE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with