Mister nangulila sa misis, nag-suicide
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2016 - 12:00am

CAVITE, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 80-anyos na mister na sinasabing nangulila sa pagpanao ng kanyang misis matapos itong magbaril sa sarili sa kanilang bahay sa Barangay Pinagsanhan B sa bayan ng Maragondon, Cavite kahapon ng umaga. Huling namataang buhay ang biktimang si Antonio Row Sr. na nag-iisa sa kanilang bahay kung saan nakarinig ng malakas na putok ng baril ang manugang na babae ng matanda. Nang usisain ang pinagmulan ng putok ay bumungad ang duguang katawan ng biktima. Nabatid na nangulila ang biktima sa pagpanao ng kanyang misis kaya kalimitang nakikita ng ilang kapitbahay na malungkot na nakaupo sa balkonahe ng kanyang bahay. Narekober naman ang isang basyo ng bala ng cal. 38 revolver.

ADAMSON UNIVERSITY CHEMICAL ENGINEER LICENSURE EXAMINATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with