3 lasog sa killer bus
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2016 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines – Tatlo-katao na magkakaangkas sa motorsiklo ang namatay matapos itong salpukin ng pampasaherong bus sa Purok 4-C, Barangay Poblacion sa bayan ng Tagbina, Surigao del Sur kahapon ng umaga. Kinilala ni PO1 Mary Grace Morata ng Tagbina PNP ang mga namatay na sina Jeffry Clemente, 22, driver ng motorsiklo; Jeflyn Odtojan, 23; at si Judy Ann Odtojan ng Baculin, Hinatuan, Surigao del Sur. Patungo sana sa Brgy. Mangagoy sa Bislig City ang mga biktimang magkakaangkas motorsiklo mula sa bayan ng San Francisco nang nag-overtake ito sa naunang van kaya nakasalubong si kamatayan. Nakatakdang kasuhan ng pulisya ang driver ng Super 5 Bus liner na si Marcos Chavez, 36, ng Carmona, Cavite.

EDUARDO MANALO IGLESIA NI CRISTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with