2 utas, 10 sugatan sa road mishap
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2016 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawa-katao kabilang ang isang jail officer habang sampu naman ang nasugatan sa magkahiwalay na sakuna sa Cagayan kamakalawa.

Namatay si Jail Officer 1 Felix Nicolo Batang matapos sumalpok ang kanyang motorsiklo sa truck na tumirik sa gilid ng highway sa Barangay Carig Sur.

Ayon kay P/Supt. Jessie Tamayao, hepe ng  Tugue­garao City PNP, hindi naglagay ng early warning device ang drayber ng truck na si Joben Clavero matapos itong masiraan sa highway.

Pisak naman si Marilyn Contillo nang salpukin ng van ang nakaparadang traysikel sa gilid ng kalsada sa Barangay Lapogan sa bayan ng Gattaran, Cagayan.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Harvey Pajarillo, hepe ng Gattaran PNP, nahilo habang nagmamaneho ang 73-anyos na drayber ng van (AIA-8166) na si Antonio Oñate kaya nasalpok ang traysikel na kinaroroonan ng biktima.

Tuluyang bumaliktad at sumalpok ang van sa isang poste ng kuryente.

Kritikal na isinugod sa Dr. Tomas Nolasco Sr. Hospital ang trike driver na si Franklin Lampitoc at ang mag-inang pasahero na sina Maryann Mancera, 41; at Cristine Mae Mancera, 10.

Umabot naman sa 10 pasahero ng van ang nasugatan.

PUREGOLD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with