Stude tiklo sa ‘sex video extortion’
Arnell Ozaeta (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2016 - 12:00am

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Kalaboso ang 22-an­yos na estudyante matapos itong arestuhin ng mga awtoridad kaugnay sa pangingikil sa dalawa nitong kaklase dahil sa hawak na sex video ng mga ito na sinasabing ikakalat sa facebook sa Sta. Rosa City, Laguna noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Christopher Birung, hepe ng Anti Cybercrime ng Camp Crame ang suspek na si Ado­nis Evan Pumares de Leon, 22, graduating student sa Adventist University of the Philippines (AUP) sa bayan ng Silang, Cavite.

Ayon sa report, dumulog sa Camp Crame ang magkasintahan dahil sa isang di-nagpapakilalang facebook user na humihingi ng P30K.

Binantaan umano ng suspek ang mga biktima na ilalabas nito sa social media ang kanilang sex video kapag hindi sila nagbigay ng pera.

Aminado naman ang dalawa na mayroon nga silang sex video na kinunan sa pamamagitan ng cellphone sa isang school retreat sa Batangas subalit hindi malinaw kung sino ang kumuha ng video.

Natakot din ang dalawa nang sabihan ng suspek na posibleng hindi sila maka-graduate sa May 27 kung sa­kaling mag-leak ang sex video sa fb.

Kaagad namang inilatag ang entrapment operation laban suspek na nagpadala ng P300 sa halip na P30,000 sa Smart Money Padala.

Sa pakikapag-ugnayan sa money transfer service, kaagad na-trace ng mga pulis na sa isang sangay nito sa mall sa Sta. Rosa City, Laguna kukunin ng suspek ang pera.

Matapos makuha ang pera ng suspek agad na dinampot ito ng mga pulis at nakuha dito ang cellphone video na naglalaman ng sex video ng mga biktima.

ABS-CBN SPORTS + ACTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with