Tserman itinumba ng tandem
Arnell Ozaeta (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2016 - 10:00am

BATANGAS, Philippines – Patay ang 62-anyos na barangay chairman matapos barilin ng riding-in-tandem sa bayan ng Laurel , lalawigang ito noong Sabado. Ang biktima ay si Nejemias Ariola, Brgy. Chairman ng Brgy Leviste, Laurel, Batangas. Papauwi na si Ariola sakay ng kanyang motorsiklo matapos mamili ng pagkain sa isang grocery store nang harangin ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo at pagbabarilin bandang alas-2:35 ng hapon. Agad na namatay ang biktima dahil sa tinamong tama ng bala sa kanyang ulo at katawan. Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Talisay bitbit ang ginamit na baril.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with