Bodyguard ng vice-mayoralty bet utas sa ambus!
Arnell Ozaeta (Pilipino Star Ngayon) - May 6, 2016 - 10:00am

MANILA, Philippines - Patay ang isang driver/bodyguard ng vice-ma­yoralty candidate matapos na tambangan ng mga armadong kalalakihan na ang posibleng target ay ang asawa ni Mataas na Kahoy Mayor Jay Manalo Ilagan noong Huwebes ng gabi

Naisugod pa sa ospital ang bodyguard na si Ruben Tiquis, 60, pero idineklarang dead-on-arrival sa Metro San Jose Medical Center dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Ayon sa report, sakay ng kulay puting Wrangler jeep ang biktima at papauwi na nang harangin ang sasakyan ng mga suspek sa Brgy. Kinalaglagan, Mataas na Kahoy at pinagbabaril ng armalite bandang alas-9:20 ng gabi.

Hindi naman kasama sa sasakyan ang asawa ni Ilagan na si Janette na tumatakbo rin para sa pagka-vice-mayor ng Mataas Na Kahoy.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek pero ilang oras lang ay nasakote ang 10 armadong kalalakihan sa may Brgy. Santol, Mataas na Kahoy. Nakilala ang mga dinakip na sina Clarito Lota, Hasim Abbise, Johnny Muallam, Ramir Abillani, Ramly Bariwa, Sarrie Hasim, Eddie Donggon, Rodrigo Anyayahan, Mursidi Jalaidi at Manny Omar. Nakumpiska sa kanila ang dalawang armalite, isang M4 rifle, dalawang cal 45 pistol, isang 9mm, isang cal 22, sari-saring mga bala, bonnet at gloves.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with