Chief accountant ng Bacoor City Hall nilikida
Arnell Ozaeta, Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - May 4, 2016 - 10:00am

CAMP VICENTE LIM, LAGUNA, Philippines – Isang chief accountant ng Bacoor City  Hall ang nasawi matapos na pagbabarilin ng isang salarin sa harap ng kanyang tahanan sa Bacoor,  Cavite kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na  si Marissa Ramchand, 54 anyos,  residente ng Princeton  Height, Barangay  Mambog

Ayon kay Supt. Ronan Clarabal, hepe ng Bacoor Police, dakong alas-8 ng umaga habang pasakay ng kotse ang biktima nang ratratin ng isang nag-aabang na suspek gamit ang kalibre .45 baril.

Nagpanggap umanong  construction worker ang suspek kaya malayang  nakapasok sa naturang subdibisyon.

Sa salaysay ng isang saksi, naglakad lang palayo ang suspek na nakasuot ng face mask matapos ang pamamaril at pagpatay sa biktima.

Naisugod pa ang biktima na nagtamo ng isang tama ng punglo sa ulo subalit nasawi rin habang nilalapatan ng lunas sa ospital.

Blangko pa ang awtoridad sa motibo sa krimen at  nangangalap na ng kuha ng  CCTV sa mga establisyemento at bahay malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with