Cargo truck sinunog ng NPA
Arnell Ozaeta (Pilipino Star Ngayon) - April 27, 2016 - 10:00am

BATANGAS, Philippines – Sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army ang isang cargo truck matapos itong harangin sa kahabaan ng highway sa Barangay Mataas na Pulo sa bayan ng Nasugbu, Batangas kamakalawa. Ayon sa ulat, binabagtas ng truck (NTU 726) na pag-aari ni Ruben Samonte ang kahabaan ng highway nang harangin ng mga armadong kalalakihan. Napilitang itigil ng driver na si Maximo Catapang ang truck kung saan tinanong siya kung sino ang may-ari ng truck. Nang sabihin niya ang pangalan ng amo ay tuluyan na itong sinunog dahil sa sinasabing hindi pakikipag-ugnayan sa kanila ng may-ari ng truck. Hindi naman sinaktan ang driver at inutusan ito na umalis habang nasusunog ang sasakyan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with