^

Kawatan ginulpi ng misis ng pulis

(Pilipino Star Ngayon) - March 13, 2016 - 10:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Kamalasan ang inabot ng tinedyer na kawatan matapos itong gulpihin ng misis ng pulis na may-ari ng bahay na kanyang pinasok at tinangkang pagnakawan sa bayan ng Bacacay, Albay kahapon ng madaling araw.

Pasa-pasa ang katawan ng suspek na si Christian Jake Berana ng Barangay Vinisitahan nang dalhin sa Bacacay PNP dahil sa bugbog na inabot nito mula kay Joan Barcela, 37, asawa ni P03 Gerald Barcela ng Tabaco City PNP.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Simeon Ola, bandang alas-4 ng madaling araw nang maalimpungatan si Joan nang kumalabog ang pintuan ng kanilang bahay.

Inakala ni Joan na ang asawang pulis ang duma­ting kaya hindi bumangon at hinintay na pumasok ng silid ang asawa.

Subalit nagtaka si Joan dahil hindi binuksan ang ilaw na dati namang ginagawa ng asawa kaya nagduda ito at binuksan ang telebisyon.

Dito nakita ni Joan ang suspek na may patalim at bitbit ang kanyang tablet computer at cellphone.

Sa halip na masiraan ng loob at bago pa nakaporma ang suspek hinablot ni Joan ang kanilang monoblock chair saka paulit-ulit na hinampas sa suspek.

Kaagad namang rumes­ponde ang mga kapitbahay bago dinala ang suspek sa presinto.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with