_ngayon
^

Probinsiya

Mangingisda dinukot, inutas ng NPA

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 39-anyos na mangingisda na inakusahang tiktik ng militar matapos itong dukutin ay pinagbabaril ng mga rebeldeng New People’s Army sa Sitio Cogtong, Barangay Quezon sa bayan ng Claveria, Masbate kamakalawa ng umaga. Kinilala ang biktima na si Aurillo Riva ng Barangay San Antonio sa bayan ng Milagros, Masbate. Bandang alas-7:35 ng umaga nang matagpuan ng ilang  residenteng naglalakad ang bangkay ng biktima na iniwan ng mga rebelde. Nabatid na ang biktima kasama ang anak, mga pamangkin  ay pansamantalang nanirahan sa bahay ng pinsang si Leonica Riva kung saan inakala ng mga rebelde na tiktik ito ng PNP at AFP.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with