^

Probinsiya

Inhinyero, 1 pa pisak sa cement mixer

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 58-anyos na project engineer at kanyang tauhan makaraang madaganan ng cement mixer sa ginagawang irrigation canal sa Barangay del Valle sa ba­yan ng San Antonio, Quezon kamakalawa ng hapon.

Sa naantalang ulat na nakarating sa Quezon PNP Provincial Office, nakilala ang mga biktima na sina Engr. Alejandre Nidoy ng Cubao, Quezon City; at  Jeffrey Atole ng Barangay del Valle sa nabanggit na bayan.

Ayon kay P/Insp. Marlon Comia, hepe ng San Antonio PNP, paakyat sa kalsada ang  minamanehong concrete cement mixer ni Ruben Banayo para ibuhos sa ginagawang proyekto subalit nawalan ng preno.

Tuluy-tuloy na tinumbok ng truck ang kinaroroonan ng dalawang biktima na nag­resulta sa pagkadurog ng kanilang katawan kung saan sinalpok din ang nakaparadang motorsiklo.

Nabatid na ang cement mixer truck ay pag-aari ng isang mayor sa Quezon na tumatayong sub-contractor sa proyekto.

Nahaharap ang driver ng truck sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide at damage to pro­perty.

ACIRC

ALEJANDRE NIDOY

ANG

AYON

JEFFREY ATOLE

MARLON COMIA

PROVINCIAL OFFICE

QUEZON

QUEZON CITY

RUBEN BANAYO

SAN ANTONIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with