2 nag-dirty finger sa pulis, timbog
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - February 3, 2016 - 9:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawang senglot na magsasaka na nag-dirty finger sa mga operatiba ng pulisya ang naaksidente matapos na bumaliktad ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Garita, bayan ng Cabagan, Isabela kamakalawa. ?Nakaratay sa Milagros District Hospital ang mga suspek na sina Christian Jess Acob, 26; at Ariel Acoba, 21, mga nakatira sa Barangay Calinaoan Norte sa bayan ng Sto. Tomas. ?Lumabas sa imbestigasyon na bumaliktad ang motorsiklo ng mga biktima nang habulin ng mga pulis na lulan ng patrol jeep matapos senyasan ng dalawa ng “dirty finger” habang binabagtas ang highway.? Nabatid na patungo sa naaksidenteng armored car ang pangkat ni PO3 Jeff Mamauag upang imbestigahan nang bastusin ng dalawang senglot na lulan ng motorsiklo.

ANG ARIEL ACOBA BARANGAY CALINAOAN NORTE BARANGAY GARITA CABAGAN CHRISTIAN JESS ACOB DALAWANG ISABELA JEFF MAMAUAG LUMABAS MILAGROS DISTRICT HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with