^

Probinsiya

Senglot itinumba sa kalsada

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang 53-anyos na senglot na may masamang tabas ng bibig matapos itong barilin ng hindi kilalang lalaki sa Barangay Bulala, bayan ng Camalaniugan, Cagayan kamakalawa. Sa pahayag ni P/Chief Insp. Virgilio Dorado, pinagmumura ng biktimang si Isidro Por­senido ang mga nakapaligid na residente sa loob ng restaurant. Nabatid na kinamumuhian sa kanilang lugar ang ugali ng biktima sa tuwing ito ay nalalasing.Ayon sa police report, pauwi na ang biktima nang sundan at barilin sa ulo bandang alas-8:30 ng gabi kung saan naisugod pa ito sa Matilde Olivas District Hospital subalit idineklarang patay. Natukoy ng pulisya ang gunman subalit pansamantalang hindi isiniwalat ang pagkakakilanlan habang inihahanda ang kaukulang kaso. Narekober sa crime scene ng isang basyo ng bala ng cal.45 pistol.

ACIRC

ANG

AYON

BARANGAY BULALA

CAMALANIUGAN

CHIEF INSP

ISIDRO POR

MATILDE OLIVAS DISTRICT HOSPITAL

NABATID

NAREKOBER

VIRGILIO DORADO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with