_ngayon
^

Probinsiya

Misis tumalon mula sa jeepney, dedo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang 29-anyos na mi­sis matapos itong tumalon mula sa pampasaherong jeepney na minamaneho ng kaniyang mister sa kahabaan ng national highway sa bayan ng Pudtol, Apayao noong Lunes ng umaga.

Sa ulat ni Cordillera PNP Director P/Chief Supt. Robert Quenery na isinumite sa Camp Crame, idineklarang patay sa Amma Jadsac District Hospital sanhi ng matinding pagdurugo ng ulo, pagkasugat ng paa, kamay at katawan ng biktimang si Glecy Balaweg, kawani ng lokal na pamahalaan ng Pudtol.

Base sa police report, naitala ang insidente bandang alas-8:30 ng umaga habang lulan ng pampasaherong jeepney ang biktima na minamaneho ng kaniyang mister na si Freddie Balaweg, 34.

Base sa pahayag ng mga pasahero sa jeepney, galit na galit ang biktima sa kaniyang mister na pinagmumura nito saka inatasan na ihinto ang sasakyan.

Gayon pa man hindi naman pinansin ng kaniyang asawa ang sinabi ng biktima kung saan tuluy-tuloy sa pagmamaneho.

Dito na tumayo ang biktima sa hulihan ng jeepney na tinangka pang pigilan ng ilang  pasahero pero hindi ito nakinig kung saan bigla na lamang tumalon mula sa sasakyan.

Bunga nito, ilang beses pang gumulong ang katawan sa kalsada kung saan nabagok ang ulo ng biktima.

ACIRC AMMA JADSAC DISTRICT HOSPITAL ANG APAYAO CAMP CRAME CHIEF SUPT DIRECTOR P FREDDIE BALAWEG GLECY BALAWEG PUDTOL ROBERT QUENERY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with