Convoy ni Rep. Robredo, muntik madale car bomb sumabog sa harap ng botika
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

NORTH COTABATO, Philippines – Dalawa-katao ang nasugatan makaraang sumabog ang car bomb na ipinarada sa harap ng botika at panaderya sa Tacurong City, Sultan Kudarat kahapon ng hapon.

Sa pahayag ni P/Supt. Ranie Hachuela, OIC ng Tacurong City PNP, pasado alas-2 ng hapon nang big­lang sumabog ang isang kotse na may temporary plate number 122-680 ipinarada sa harap ng La Forteza Pharmacy at Farmer’s Bread malapit sa Fitmart Mall at gasolinahan.

Sa inisyal na ulat ng pulis­ya, kinilala ang mga sugatan na sina Freddie Tuman­ding ng Poblacion, Tacurong; Patricio Pepeto, at si Nicole B. Fobar, 19, ng Barangay D. Ledesma sa nasabing lungsod.

Itinaon ang pagsabog habang idinaraos ang kapis­tahan ng Nuestra Señora dela Candelaria kung saan isa sa mga bisita ang Vice Presidential bet na si Rep. Leni Robredo.

Nabatid na kararaan lamang ng convoy ni Rep. Rob­redo nang biglang suma­bog ang bomba sa loob ng kotse.

ACIRC ANG BARANGAY D FITMART MALL FREDDIE TUMAN LA FORTEZA PHARMACY LENI ROBREDO NICOLE B NUESTRA SE PATRICIO PEPETO TACURONG CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with