Drug peddler bulagta sa bakbakan
Boy Cruz at Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 1, 2016 - 9:00am

BULACAN, Philippines - Bumulagta ang notoryus na drug peddler matapos itong  makipagbarilan sa arresting team ng pulisya habang isa naman ang naaresto sa inilatag na operasyon sa San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng madaling araw. Kinilala ang napatay na si Abdul Minalang habang arestado naman ang kasamahan nitong si Fred Borja na nasa watchlist ng pulisya bilang drug pusher. Bandang alas- 4 ng madaling araw nang salakayin ng mga tauhan ng San Jose del Monte City PNP, Regional Public Safety Batallion, Provincial Public Safety Company at ng Army’s 4th Infantry Battalion ang Barangay Sta. Cruz  1 ang pinagkukutaan ng mga drug pusher. May 11 search warrants ang pulisya laban sa grupo ng mga drug pusher kabilang si Minalang. Nasamsam kay Borja ang cal. 38 revolver, dalawang pen gun, mga pinatuyong dahon ng marijuana at mga drug paraphernalia.

ABDUL MINALANG ANG BANDANG BARANGAY STA FRED BORJA INFANTRY BATTALION MONTE CITY PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY REGIONAL PUBLIC SAFETY BATALLION SAN JOSE SAN JOSE DEL MONTE CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with