^

Trader ‘di-nagpautang, ginilitan

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - February 1, 2016 - 9:00am

NUEVA ECIJA, Philippines – Napatay ang 43-anyos na negosyante na sinasabing tumangging magpautang matapos itong pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay sa Sitio Tibang, Barangay Antonino sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija, kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Gonzales General Hospital  ang biktimang si Melchor Laureano, may-asawa, ng Barangay Antonino sa nasabing bayan. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Ben Esteban ng nabanggit din barangay. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na narinig ng inang kapitbahay na nag-uusap ang dalawa na sinasabing may kaugnayan sa pera nang biglang sumiklab ang mainitang pagtatalo. Gayon pa man, umuwi ang suspek at pagbalik ay inabangan at sinaksak ang biktima sa harapan ng kanyang bahay. Pinaniniwalaang hindi pinautang ng biktima ang suspek kaya naganap ang pananaksak.

ANG BARANGAY ANTONINO BEN ESTEBAN GAYON GONZALES GENERAL HOSPITAL IDINEKLARANG JAEN MELCHOR LAUREANO NAPATAY NUEVA ECIJA SITIO TIBANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with