^

Mag-ama, brgy. chairman, minasaker

Ed Casulla at Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) - February 1, 2016 - 9:00am

CAMARINES NORTE, Philippines - Napaslang ang 39-anyos na barangay chairman at ang mag-ama makaraang pagbabarilin ang mga di-kilalang lalaki sa Barangay Bartolabac, bayan ng San Jacinto Masbate kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktima na sina Chairman Rey Encabo, may asawa; Kagawad Robert Almodiel, 44; at anak nitong si Jay Almodiel,14, mga nakatira sa nasabing barangay.

Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola sa Legazpi City, lumilitaw na inihatid ni Chairman Encabo sa labas ng kanyang bahay si Kagawad Almodiel mula sa pakikipag-inuman nang harangin at ratratin ng mga di-kilalang kalalakihan bandang alas-8 ng gabi.

Nadamay din ang anak ni Kagawad Almodiel  na nasa labas ng bahay.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya, ang dalawang opisyal ng barangay ay sinasabing mga tagasuporta ng mga rebelde sa nasabing lugar.

Narekober sa crime scene ang 47 basyo ng M16 rifle at cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

ANG BARANGAY BARTOLABAC CAMP SIMEON OLA CHAIRMAN ENCABO CHAIRMAN REY ENCABO JAY ALMODIEL KAGAWAD ALMODIEL KAGAWAD ROBERT ALMODIEL KINILALA LEGAZPI CITY SAN JACINTO MASBATE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with