^

Probinsiya

Pugante patay sa shootout

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines - Patay ang isa sa tatlong preso na pumuga sa Bureau of Jail Management and Penology matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Balayan Old Cemetery bayan ng Balayan, Batangas noong Sabado ng hapon.

Kinilala ang napatay na si Ajie Mendoza habang sugatan naman si PO1 Arnel Abellera ng Balayan PNP matapos tamaan ng bala sa mukha na ngayon ay isinasalba ang buhay sa Madonna General Hospital.

Samantala, naaresto naman ang puganteng si Jessie Pega matapos matunton ng mga opera­tiba ng Balayan PNP, Provincial Public Safety Company at Provincial Intelligence Branch sa bahay ng kaibigan nito sa Barangay Kaylaway, Nasugbu sa Batangas noong Sabado ng gabi.

Sumuko naman ang puganteng si Marvin Ce­ral­bo matapos masukol sa bahay nito sa Roxas Village, Brgy. Lumbangan sa bayan ng Nasugbu, Batangas.

Matatandaang napatay ng tatlong pugante si De­puty Warden Leonardo De Castro matapos agawan ito ng baril at paputukan sa ulo noong Sabado ng madaling araw.

Patuloy na isinasalba ang buhay ni PO3 Rhode­rick Botavara ng Balayan PNP matapos na pagbabarilin din ng tatlong pumuga na tinangka nitong pigilan.

Sinibak naman sa pwes­to ang Jail Warden ng Balayan na si Jail Inspector Nicanor Matining at pinalitan naman ni J/Insp. Melchor H Dames.

ACIRC

AJIE MENDOZA

ANG

ARNEL ABELLERA

BALAYAN

BALAYAN OLD CEMETERY

BARANGAY KAYLAWAY

BATANGAS

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

JAIL INSPECTOR NICANOR MATINING

SABADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with