^

‘Tulak’ itinumba ng kapwa drug trader

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang motibo makaraang pagbabarilin hanggang sa mapaslang ang isang umano’y tulak ng droga ng isang pinaghihinalaang notoryus na drug trader sa loob ng tahanan nito sa Brgy. New Cabalan, Olongapo City nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Redentor Romualdo,  may-asawa, na idineklarang dead-on-the-spot bunga ng tinamong mga tama ng bala ng shotgun sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek na si Bobby Cuajao na may kinasasangkutan umanong kaso ng ipinagbabawal na droga.

Sa ulat ng Olongapo City Police, bandang alas-2 ng hapon nang maganap ang insidente matapos na pagbuksan ng biktima ang suspek sa loob ng tahanan nito at walang sabi-sabing pinagbabaril.

Ayon sa pulisya, ang suspek at ang biktima ay kapwa nasa drug watch list ng Olongapo City Police kaugnay ng kasong pagtutulak ng droga.

Hidwaan sa perang kinita sa pagbebenta at pagtutulak ng droga ang sinisilip na motibo sa pamamaslang.

ANG AYON BOBBY CUAJAO BRGY HIDWAAN HUWEBES KINILALA NEW CABALAN OLONGAPO CITY OLONGAPO CITY POLICE REDENTOR ROMUALDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with