Dyip vs motorsiklo: Driver utas, 18 pa sugatan
Joy Cantos at Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isang magsasaka ang nasawi habang 18 pa ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng magsalpukan ang isang pampasaherong jeepney at  kasalubong na motorsiklo sa kasagsagan ng piyesta sa Maharlika highway, Brgy. San Isidro, Jones, Isabela kamakalawa.

Kinilala ni Chief Inspector Noel Pattalitan, hepe ng Jones Police ang nasawi na si Michael Garcia, 37-an­yos, driver ng motorsiklo. Siya ay namatay noon din sanhi ng mga sugat sa katawan at pagkabali ng buto.

Sa imbestigasyon, dakong ala-1 ng hapon habang patungo ang 20 katao lulan ng pampasaherong jeepney sa bayan ng Jones para dumalo sa ika-95 taong kapiyestahan ng nasabing bayan nang maganap ang aksidente. Tinangka umano ng driver ng jeepney na si John Mark Salvador, 22, na iwasan ang humahagibis na motorsiklo na umano’y nang-agaw pa ng linya subalit sa bilis ay nahagip din sila nito sa pakurbadang bahagi ng highway.

Sa lakas ng bangga, pumailalim pa sa bumaliktad na jeepney at ilang metrong nakaladkad ang nasabing driver sanhi ng agarang pagkamatay nito habang mabilis na isinugod sa Prospero Bello Hospital ang sugatang driver ng jeepney at 17 pang pasahero nito.

ACIRC ANG BRGY CHIEF INSPECTOR NOEL PATTALITAN ISABELA ISANG JOHN MARK SALVADOR JONES POLICE MICHAEL GARCIA PROSPERO BELLO HOSPITAL SAN ISIDRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with