Bunso dinedo ng kuya
Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2016 - 9:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Patay ang 38-anyos na binata matapos itong pagsasaksakin ng kanyang kuya kaugnay sa away pamilya kamakalawa ng gabi sa Purok 4, Barangay San Antonio sa Tabaco City, Albay. Hindi na umabot ng buhay sa Ziga Memorial District Hospital ang biktimang si Valentine Lojica habang nasakote naman ang suspek na si Raymundo Lojica, 46, biyudo, at kapwa nakatira sa nasabing barangay. Nabatid na nakipagtalo ang biktima sa anak ng suspek sa harapan ng tindahan ng utol nito. Gayon pa man, mabilis na umuwi ang anak na si Joseph saka nagsumbong sa suspek kung saan kinompronta naman ang biktima na nauwi sa pananaksak.

ALBAY ANG BARANGAY SAN ANTONIO GAYON NABATID PATAY PUROK RAYMUNDO LOJICA TABACO CITY VALENTINE LOJICA ZIGA MEMORIAL DISTRICT HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with