Alitan sa lupa: 2 bulagta
(Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2016 - 9:00am

PAMPANGA, Philippines – Dalawa-katao ang napatay kaugnay sa alitan sa lupa sa Sitio Ponduan, Barangay San Jose sa San Fernando City, Pampanga noong Lunes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Ronward Gatpolintan, 29, ex-Phil. Air Force pilot at nakatira sa Purok 1 sa nasabing barangay; at Ret. P/Senor Insp. Leonardo Liwanag, 69, ng St. Peter Street, St. Jude Village sa Barangay San Agustin.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Jean Fajardo, hepe ng San Fernando City PNP, pinuntahan ni Liwanag ang nakaalitang si Gatpolintan sa kanyang bahay kung saan kinompronta at binoga.

Nasaksihan naman ng tatay ni Ronward ang krimen kaya pinalo nito sa ulo si Liwanag hanggang sa mapatay.

Pinaghahanap naman ang nakapatay kay Liwanag na si Joseph Gatpolintan habang narekober sa crime scene ang cal. 45 pistol ni Liwanag na nakalagay sa garahe ng pamilya Gatpolintan.

AIR FORCE BARANGAY SAN AGUSTIN BARANGAY SAN JOSE GATPOLINTAN JEAN FAJARDO JOSEPH GATPOLINTAN LEONARDO LIWANAG LIWANAG RONWARD GATPOLINTAN SAN FERNANDO CITY SENOR INSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with