^

Pulis itinumba ng tandem

Arnell Ozaeta (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2016 - 9:00am

BATANGAS, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 41-anyos na beteranong pulis matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa bayan ng Lemery, Batangas noong Lunes ng umaga. Kinilala ang napatay na si SPO1 Bernard Mendoza Regional Engineering Unit 4-A at nakatira sa Barangay Calayaan sa bayan ng Sta. Teresita, Batangas. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Arcadio Ronquillo, Jr. Batangas PNP director, papasok na sa trabaho si SPO1 Mendoza sakay ng motorsiklo nang sundan at ratratin ng tandem pagsapit sa bisinidad ng highway sa Barangay Mahabang Dahilig bandang alas-9:15 ng umaga. Isinugod pa si Mendoza sa Batangas Provincial Hospital pero idineklarang patay. Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng cal. 45 pistol.

ARCADIO RONQUILLO BARANGAY CALAYAAN BARANGAY MAHABANG DAHILIG BATANGAS BATANGAS PROVINCIAL HOSPITAL BERNARD MENDOZA REGIONAL ENGINEERING UNIT ISINUGOD JR. BATANGAS KAMATAYAN MENDOZA SENIOR SUPT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with