Sundalo ng PAF dedo sa encounter
Arnell Ozaeta (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2016 - 9:00am

BATANGAS, Philippines – Patay ang 30-anyos na sundalo ng Philippine Air Force matapos makasagupa ang mga rebeldeng New People’s Army sa liblib na bahagi ng Barangay Toong sa bayan ng Tuy, Batangas noong Lunes ng hapon. Kinilala ni P/Senior Insp. Eduardo Caraig, hepe ng Tuy PNP ang biktimang si A1C Cliff Arvin Alama na naka-assign sa 730th PAF Combat Group. Ayon sa police report, nagsasagawa ng combat patrol ang pangkat ni Alama nang makasagupa ang mga rebelde bandang alas-5 ng hapon. Tumagal ng ilang minuto ang putukan hanggang bumulagta si Alama habang nagsitakas naman ang grupo ng NPA. Patuloy naman ang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa pagtugis sa rebelde patungo sa kabundukan.

ALAMA ANG AYON BARANGAY TOONG BATANGAS CLIFF ARVIN ALAMA COMBAT GROUP EDUARDO CARAIG NEW PEOPLE PHILIPPINE AIR FORCE SENIOR INSP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with